^

PSN Palaro

RP fencers inalat

-
BUSAN -- Tanging si veteran Emerson Segui ang nagbigay ng magandang laban para sa Philippine fencing team kahapon nang magtapos ito bilang ikapito sa individual foil competition sa 14th Asian Games sa Gangseo Gymnacium dito.

Na-sweep ng 25-gulang na si Segui ang kanyang apat na kalaban upang makalikom ng 20-puntos bago nito sinibak si Jasser Khader ng Jordan, 15-6 upang umusad sa quarterfinals.

Ngunit sinibak ang 5-foot-7 na Quezon City bet na kasalukuyang Southeast Asian foil champion ng Koreanong si Kim Sang Hun, 7-15 matapos humarurot sa 6-0 bentahe ang kalaban.

"Segui lost his cool when he felt he was given a raw deal by the judge, whom we believe made four controversial decisions," pahayag ni Venerando Garcia, ang coach ng national team

Ang dalawa pang Filipino bets na sina Rolando Canlas Jr. at Avelino Victorino Jr. ay nagtapos bilang ika-16th at 18th sa foil at epee ayon sa pagkakasunod upang umusad sa susunod na round habang hindi naman sinuwerte ang movie actor na si Richard Gomez na napasama sa bracket ng mga bigating fencers ng Asya para magtapos lamang bilang ika-24th sa epee na may 9-puntos.

Sinibak si Canlas ni Wu Hanxiong ng China, 5-15 sa 1/8 eliminations habang pinatalsik naman si Victorino ni Evgeny Chigrin ng Kyrgyzstan, 8-15 sa ikalawang round.

ASIAN GAMES

AVELINO VICTORINO JR.

EMERSON SEGUI

EVGENY CHIGRIN

GANGSEO GYMNACIUM

JASSER KHADER

KIM SANG HUN

QUEZON CITY

RICHARD GOMEZ

ROLANDO CANLAS JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with