^

PSN Palaro

Reyes, Bustamante abala sa Oktubre

-
Magiging abala sina Efren ‘Bata’ Reyes at Francisco 'Django' Bustamante sa kanilang paglahok sa apat na malalaking tournament sa iba’t ibang kontinente.

Tumulak kahapon sina Reyes at Bustamante patungong Busan, South Korea para sa 14th Asian Games.

Magsisimula ang laban sa billiards sa Oktubre 1 hanggang Oktubre 8 kung saan sina Reyes at Bustamante ay inaasahang makakakuha ng gintong medalya.

Tutungo naman si Bustamante sa Baltimore U.S.A. kung saan isa ito sa walong players na inimbitahan sa 2002 Sudden Death 7-Ball sa October 9.

Tutungo naman sa England sina Reyes at Bustamante para sa World Pool Masters 2002 kung saan defending champion ang huli bago dumiretso sa Warsaw, Poland para sa World Pool League ang una.

Nakatakda ang World Pool Masters sa Woughton Center, Milton Kaynes sa October 18-20 kung saan may 16 players na maglalaban sa $15,000 top prize.

Pangungunahan naman ni Reyes ang anim na players sa World Pool League na maglalaban sa $15,000 top prize.

ASIAN GAMES

BALTIMORE U

BUSTAMANTE

MILTON KAYNES

OKTUBRE

REYES

SOUTH KOREA

SUDDEN DEATH

TUTUNGO

WORLD POOL LEAGUE

WORLD POOL MASTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with