^

PSN Palaro

2 batang sailors magbabandera

-
BUSAN -- Madalang lamang na makakita ng dalawang bata -- isang babae at isang lalaki -- na magdadala ng Philippine colors sa prestihiyosong quadrennial event gaya ng Asian Games.

Ngunit mas nakakamangha na sa kanilang kamusmusan ay na-develop na nila ang kanilang special skill sa sport na sailing.

Ang dalawang batang ito -- ang 15-gulang na si Joseph Jayson Villena at 13-gulang na si Lealyn Taroja -- ay hindi natatakot at may kumpiyansa sa kanilang nakatakdang paglahok sa boys’ and girls’ optimist competition sa 14th Asian Games dito.

"Basta malakas ang hangin, malakas ang pag-asa kong manalo," pahayag ng 5-foot-2 na si Villena, isang chemical engineering freshman sa National University. "Hindi ako takot sa mga kalaban kahit malakas sila, lalo na ‘yung taga-Singapore."

Ito ang ikalawang international outing pa lamang ni Villena ngunit hindi ito nag-aalala. "Nasa diskarte ‘yan," aniya na tinutukoy ang estratehiya sa pagmam-neho ng 3-metrong fibergall boat na may sail at rudder sa isang linggong kompetisyon na minsan ay inaabot ng pitong oras sa isang araw depende sa ihip ng hangin.

Tulad ni Villena, kumpiyansa rin si Taroja, anak ng dating sailor na nagdiwang ng kanyang kaarawan dito noong Lunes. "Hindi po ako kinakabahan dahil puno ako sa ensayo at talo ko lahat ang kalaban ko sa atin," ani Lealyn na sabik ding magpakitang gilas sa kanyang unang international campaign.

Ang dalawa pang RP sailors ay sina Ridgely Balladares at Rommel Chaves ay lalahok naman sa 470 at open doubles event.

ASIAN GAMES

JOSEPH JAYSON VILLENA

LEALYN

LEALYN TAROJA

NATIONAL UNIVERSITY

RIDGELY BALLADARES

ROMMEL CHAVES

VILLENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with