^

PSN Palaro

Kaya ang 5 hanggang 10 gintong medalya

-
Hindi bababa ng lima hanggang 10 gintong medalya.

Prediksiyon man o simpleng paghahayag lamang ng kanyang target, ito ang naging kasagutan ni Philippine Olympic Committee president Celso Dayrit nang tanungin ito sa PSA Forum ukol sa tsansa ng bansa sa 14th Asian Games na magsisimula bukas sa Busan, South Korea.

"The RP Team is prepared. It is better prepared than in the past so we expect to perform better. We hope and expect to do better than in 1998. Our athletes will be good for a minimum of five gold medals and if we’re lucky enough it could go as high as 10," ani Dayrit sa lingguhang Forum na ginaganap sa Holiday Inn Manila Pavilion.

Si Cristy Ramos pa ang presidente ng POC nang kinatawan ng 263 atleta at mahigit isang daang opisyal ng Philippines sa 1998 Bangkok Asian Games sa ilalim ng "have-money-will-travel" policy. Ngunit sa likod ng malaking contingent, isang ginto lamang ang naiuwi ng Philippines sa tulong ng Billiards.

Hindi ito mangyayari ngayon ayon kay Dayrit na nagsabing may pitong sport na malakas ang tsansa ng bansa. Ito ay ang billiards, bowling, boxing, golf, wushu, taekwondo at rowing.

Ang Philippines ay lalahok sa 30 mula sa 38 sports sa Busan na may kabuuang 420 gold medals na paglalabanan.

Inaasahang magiging maganda ang kalalabasan ng ‘only-the-best-will-travel’ travel policy ni Dayrit sa 43-nation quadrennial event dahil kasama dito sina Efren ‘Bata’ Reyes at Francisco Bustamante sa billiards; Paeng Nepomuceno, Liza del Rosario at Irene Benitez sa bowling.

"This will be quality rather than quantity. But we also expect some surprises from the other sports. Pound for pound, our boxers can match up with the rest. But we must not only expect the best from the boxers but also the best in terms of judging. I really hope this Asian Games is going to be a turning point in our sports history," wika pa ni Dayrit.

Mas konserbatibo naman ang prediksiyon ni Philippine Sports Commission Chairman Eric Buhain na nagsabing apat hanggang pitong gold medal ang inaasahan niyang makukuha ng RP Team.

Ngunit kung magkakaroon ng magandang pagkakataon, posibleng maabot ng 218 Filipino athletes ang prediksiyon o target ni Dayrit.

Ito ang unang Asian Games para kay Buhain bilang PSC chairman.

ANG PHILIPPINES

ASIAN GAMES

BANGKOK ASIAN GAMES

BUSAN

CELSO DAYRIT

DAYRIT

FRANCISCO BUSTAMANTE

HOLIDAY INN MANILA PAVILION

IRENE BENITEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with