Montejo, kampeon sa Milo Junior Tennis Cup

ILAGAN, Isabela -Tinalo ni club netter Paolo Montejo si JV Custodia ng Ilocos, 6-1, 6-2 upang makopo ang unisex 10-under division sa pagtiklop ng 2002 Milo Junior Tennis Cup & Regional Workshop noong Linggo sa Ilagan Tennis Club.

Sa boy’s 16-under event, pinagbagsak ni Gerber Mamawal ng Flos Carmeli-Quezon City si Mico Ibañez, 6-3, 6-0 para sa championship trophy sa Milo netfest na ito na inorga-nisa ng CTW at suportado ng Adidas at Sports Kids.

Nakisosyo sa karangalan nina Montejo at Mamawal sina Mary Ann Baliuag na nanalo kontra Yrene Palogan, 6-4, 6-1 sa girls’ 14-under category; ginapi ni Paolo Monte si Alejandro Ibañez, 6-2, 6-3 sa boys’ 14-under class at ibinulsa naman ni Niel Fernandez ng San Beda ang korona sa 18-under division.

Show comments