Lyceum at Mirriam nakadalawa

Nagtala ng double victory ang Lyceum College noong Sabado sa pagsisimula ng best-of-three finals ng WNCAA-Adidas matapos ma-mayagpag ang kanilang cagebelles at volleybelles sa magkahiwalay na venue.

Naungusan ng Lady Pirates ang Grand Slam seeking College of St. Benilde, 69-67 sa basketball finals sa St. Scholastica’s College Gym habang sa Lyceum gym, sinimulan naman nila ang kanilang title defense sa volleyball sa pamamagitan ng 25-22, 25-23, 20-25, 25-22 kontra sa Assumption-Pampanga Blue Pelicans.

Ito ang kauna-unahang pagkatalo sa season na ito ng Assumption matapos ma-sweep ang nine-game eliminations at pasadsarin ang Siena College ng Quezon City sa semifinals.

Nakadalawang panalo din ang Miriam kontra sa La Salle Zobel sa high school division nang igupo ng mamayagpag ang kanilang defending champion na cagebelles, 67-49 at volleybelles, 25-17, 25-15.

Nakatakda ang Game-Two sa September 29, Linggo sa Rizal Memorial Coliseum kung saan hangad ng Lyceum at Miriam na maisukbit ang basketball at volleyball titles sa college at senior divisions ayon sa pagkakasunod.

Show comments