Casino vs John-O; Hapee kontra Blu

Dalawang finals slot ang nakatakdang pag-aagawan ngayon ng dalawang koponan mula sa Cebu at PBL squads sa crossover semifinals ng Philippine Basketball League-Cebu Basketball Federation (PBL-CBF) Dual Meet sa Pasig Sports Center.

Unang mapapasabak sa matinding hamon ang John-O kontra sa Casino Rubbing Alcohol sa alas-2 ng hapon, habang makikipagsabayan naman ng lakas ang Blu sa Hapee Toothpaste-Cebu sa alas-4.

Ang mananalo sa dalawang larong ito ang siyang maglalaban para sa knockout match para sa korona, habang pag-aagawan naman ng mga talunang koponan ang third place.

Ang nasabing mga laro ay ipalalabas ng live sa National Broadcasting Network.

Ipaparada ng John-O ang kanilang mahusay na line-up na babanderahan nina Ranidel de Ocampo, Jeff Napa, Archen Cayabyab, Nizar Kiram at Bong Salvador na palalakasin pa lalo ng mga beteranong sina Celino Cruz, Leo Bat-og, Ricky Calimag at Mark Macapagal.

Show comments