^

PSN Palaro

Reyes sinilat si Bustamante

-
Sumandig si Francisco ‘Django’ Bustamante sa mga incredible scratch ni Efren ‘Bata’ Reyes sa huling rack ng first set upang igupo ang kanyang matalik na kaibigan, 5-4, 5-1 at isaayos ang kanilang paghaharap ni 2001 World Pool Champion Mika Immonen sa Cafe Puro Challenge of the Masters.

Nagpamalas naman ang defending US Open champion na si Corey Deuel ng mahusay na paglalaro upang idispatsa ang minalas na si Immonen, 5-1, 5-4 at itakda naman ang kanilang semis match ni Reyes.

Makaraan ang kanilang mahigpit na tunggalian sa opening set at ang iskor ay tabla sa 4-4, lumaro si Reyes ng mahusay na 6-foot-9 kum-binasyon, subalit nanghinayang ang mga manonood nang ang cue ball ay dahan-dahang gumulong pababa sa lamesa at napunta sa corner pocket kung saan sina Reyes at Bustamante ay kapwa di makapaniwala.

Gayunman, nasiyahan naman si Bustamante sa kanyang magandang kapalaran at sinabi nitong "anything can happen in pool." Napagwagian rin ni Bustamante, winner ng limang major tournaments ngayong taon ang second set, 5-1.

Maaga pa lang ay ipinakita na ni Deuel ang kanyang galit nang sunggaban ang 3-0 kalamangan, bago naibulsa ni Immonen ang three balls sa break upang hatakin ang 3-1, iskor.

Mula sa 4-1 pangunguna, isang 3-9 kumbinasyon at mintis ni Immonen ang nagbigay daan kay Deuel upang tapusin na ang laban sa 5-1.

Ang mananalo sa event na ito ay mag-uuwi ng $10,000, habang ang runner-up ay pagkakalooban ng $7,500 at ang losing semifinalist ay bibigyan ng tig-$5,000 na handog ng Viva Vintage Sports at Puyat Sports.

vuukle comment

BATA

BUSTAMANTE

CAFE PURO CHALLENGE OF THE MASTERS

COREY DEUEL

DEUEL

IMMONEN

PUYAT SPORTS

REYES

VIVA VINTAGE SPORTS

WORLD POOL CHAMPION MIKA IMMONEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with