Ginawang tuntungan ng Stags ang inilunsad na 20-0 bomba sa huling canto upang agawin ang kalamangan sa 81-61 na hindi na nila pinakawalan pa.
Ang panalo ang naghatid sa Baste ng pakikipagtabla sa San Beda College sa isinubing 11 korona sa likod ng dating mga miyembro na Ateneo de Manila at Letran College na mayroong naikamadang tig-14 korona.
Nagsilbing pinakamasayang panalo ito ng Stags dahil nagawa nilang maipaghiganti ang kanilang natamong pagkatalo mula sa Blazers dalawang taon na ang nakakaraan sa pamamagitan ng pag-sweep sa kanilang best-of-three championship series sa 2-0.
Bahagyang nanakot ang Blazers na mahatak ang winner-take-all match nang pangunahan nina Jay Sagad at Sunday Salvacion, nahirang na MVP ng liga ang umaatikabong atake sa third canto upang ibaba ang kalamangan sa isang puntos na lamang, 53-54, 3:41 ang nalalabi sa laro.
Humakot si Pep Moore ng 21 puntos, bukod pa ang anim na rebounds, dalawang assists at steal upang banderahan ang Recto-based cagers sa pagkana ng titulo.
Samantala, nabawi ng San Beda Red Cubs ang kanilang korona sa junior division matapos na tanggalan ng titulo ang Letran Squires sa pamamagitan ng 95-81 tagumpay. (Ulat ni Maribeth Repizo)