John-O, Blu pasok sa semis

Nakapasok ang John-O at Blu All Purpose sa crossover semifinals nang iposte ang kani-kanilang panalo sa magkahiwalay na kalaban kahapon sa PBL-CBF Dual Meet sa Pasig Sports Center.

Kumana si Celino Cruz ng 14 sa kanyang 16 puntos sa final half na kinabibilangan ng apat na tres upang trangkuhan ang John-O sa pag-arangkada sa second half upang itakas ang 87-67 panalo kontra sa Skygo Riders.

Kontrolado naman ng Detergent Kings ang tempo mula umpisa hanggang sa final canto at itala ang 88-62 panalo laban sa GMC-Tortillos.

Show comments