Dinispatsa ni Reyes si Deuel ng wala pang isang oras nang kanyang talunin ang batang Amerikano, 5-0, 5-3 sa best-of-three sets na ang bawat set ay isang race-to-five racks.
Nagwagi rin si Bustamante, winner ng limang major tournaments ngayong taon at runner-up kay Earl Strickland sa World Pool Championships sa Cardiff sa straight sets kontra Immonen, 5-4, 5-3.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban sina Reyes at Bustamante upang madetermina kung sino sa kanila ang ookupa ng No. 1 at No.2 position, habang pinaglalabanan naman nina Deuel at Immonen ang No. 3 at No. 4 slot.
Base sa format ang No. 1 ay makakaharap ng No. 4 at ang No. 2 ay sasagupa sa No. 3 sa semifinals na ang mananalo ay maghaharap naman para sa top prize na $10,000 sa best-of-five sets showdown ngayon. Ang matatalo ay tatanggap ng $7,500 sa apat na araw na tournament.