^

PSN Palaro

Billiards di sana mapapanood

GAME NA! - Bill Velasco -
Mabuti na lamang at nakuha ng NBN ang TV coverage para sa Asian Games sa susunod na linggo sa Busan, South Korea. Kung hindi, hindi natin sana mapapanood ang billiards at iba pang mga sport.

Dahil sa laki ng gastos, at dahil hindi rin paborito ng mga Koreano ang ilang sport, maraming larangan ang hindi mapapanood sa Asian Games. Una na rito ang billiards, karate, mga preliminary rounds ng boxing, at iba pa.

Kaya't mapapalaki ang gastos ng network ng pamahalaan.

"Hindi naman puwedeng hindi mapanood ng mga kababayan natin ang billiards, lalo na't nandoon sina Django Bustamante at Bata Reyes," ulat ni Bobby Arias, producer ng TV coverage ng Asian Games." Magpapadala kami ng mga camera, at matutulungan din namin ang mga ibang bansa na mapanood ang mga player natin. Ang magiging problema lang ay kung sabay-sabay silang naglalaro."

Magsisimula naman ang basketbol bago ang pormal na pagbubukas ng palaro. Ito ay dahil na rin sa dami ng bansang kalahok. Dagdag ito sa mga suliranin kailangang hanapan ng solusyon ng NBN sa napakaikling panahon. Sa kalkulasyon nila, halos P 400,000 ang gugugulin sa bawat taong ipapadala nila sa Korea. Kaya't minabuti nilang liitan ang delegasyong ipadadala.Marami pang problemang haharapin ang NBN upang ihatid sa atin ang Asian Games. Subalit, sa pakikipagtulungan sa Dream Broadcasting, maitatawid nila sa atin ang tindi ng drama na mangyayari sa Busan.

"Palagay ko, magiging maganda ang Asian Games na ito," bungad ni NBN chairman Mia Concio."Marami na ring mga bansa ang lumakas sa iba-ibang sport, at hindi na ito kayang dominahin ng iilang bansa lang. Tignan na lang natin ang World Basketball Championship. Hindi na ganoong kadali manalo ngayon."

Balak pa ng NBN na maging tulay sa mga pamilya ng mga atletang tutulak patungong Busan. Magkakaroon sila ng araw-araw na pakikipag-usap sa mga kamag-anak ng ating mga atleta, upang mabatid ng mga huli na hindi sila nag-iisang nakikipagbakbakan sa malamig at malayong lugar sa Korea.

Anuman ang mangyari, panalo tayo, salamat sa NBN.

ASIAN GAMES

BATA REYES

BOBBY ARIAS

BUSAN

DJANGO BUSTAMANTE

DREAM BROADCASTING

KAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with