Idedepensa ni World Boxing Council (WBC) International minimumweight champion Ernesto Rubillar ang kanyang korona sa ikalawang pagkakataon kontra sa Thai na si Phalangchai Sor Vorapin.
Ito ang isa sa pinakamahigpit na laban ni Rubillar hindi lang para harapin ang mas batang kalaban, kundi pati na ang kanyang injury.
Kumpiyansa si Vorapin na maiiuwi niya ang titulo dahil sa tinamong injury ng Pinoy champ sa kanilang laban na tinaguriang Matira Matibay II.
Pag-aagawan naman nina Roy Doliguez, kasalukuyang ranked No. 16 sa World Boxing Organization at dating Philippine champion Jovan Presbitero ang bakanteng World Boxing Organization (WBO) Asia Pacific Lightflyweight championship.