^

PSN Palaro

Rubillar vs Thai magsasagupa ngayon

-
Dalawang international title fights na magtatampok sa apat na mahuhusay na fighters ang magpapamalas ng kani-kanilang tikas at kampanya para sa pagkopo ng dalawang prestihiyosong titulo.

Idedepensa ni World Boxing Council (WBC) International minimumweight champion Ernesto Rubillar ang kanyang korona sa ikalawang pagkakataon kontra sa Thai na si Phalangchai Sor Vorapin.

Ito ang isa sa pinakamahigpit na laban ni Rubillar hindi lang para harapin ang mas batang kalaban, kundi pati na ang kanyang injury.

Kumpiyansa si Vorapin na maiiuwi niya ang titulo dahil sa tinamong injury ng Pinoy champ sa kanilang laban na tinaguriang ‘Matira Matibay II.’

Pag-aagawan naman nina Roy Doliguez, kasalukuyang ranked No. 16 sa World Boxing Organization at dating Philippine champion Jovan Presbitero ang bakanteng World Boxing Organization (WBO) Asia Pacific Lightflyweight championship.

ASIA PACIFIC LIGHTFLYWEIGHT

DALAWANG

ERNESTO RUBILLAR

IDEDEPENSA

JOVAN PRESBITERO

MATIRA MATIBAY

PHALANGCHAI SOR VORAPIN

ROY DOLIGUEZ

WORLD BOXING COUNCIL

WORLD BOXING ORGANIZATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with