Game 1 ng CSB Blazers vs SSC Stags
September 18, 2002 | 12:00am
Sisimulan ngayon ng defending champion San Sebastian College ang pagtatanggol ng kanilang titulo laban sa College of St. Benilde sa rematch ng kanilang titular showdown noong 2000 NCAA mens basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.
Magsisimula ngayong alas-4 ng hapon ang best-of-three titular showdown ng SSC Stags at CSB Blazers pagkatapos ng sagupaan ng defending juniors champion Colegio de San Juan de Letran at San Beda College sa finals ng juniors division sa ganap na alas-2 ng hapon.
Sa unang pagkikita ng Baste at ng CSB, namayagpag ang Blazers upang angkinin ang kanilang kauna-unahang titulo bago ito nakawala sa kanilang kamay noong nakaraang taon matapos itong hawakang muli ng five peat titlist SSC nang kanilang igupo ang Jose Rizal University.
Para maipagtanggol ang juniors title, dalawang panalo ang kailangan ng Letran Squires kontra sa SBC Red Cubs na may taglay na bentaheng twice-to-beat.
Nakauna sa finals ang San Sebastian nang kanilang dispatsahin ang JRU Heavy Bombers ngunit hinintay pa nila ang St. Benilde na nakinabang sa kanilang bentehang twice-to-beat bago dispatsahin ang Philippine Christian University sa dalawang laro sa Final Four.
Inaasahang pangungunahan nina Christian Coronel, Jam Alfad, Pep Moore, Leomar Najorda at Nicole Uy ang San Sebastian, ngunit tiyak namang babandera sa Blazers sina Sunday Salvacion, Arnold Capati, Jan Anthony Coching at Alex Magpayo. (Ulat ni CVO )

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended