Belano, Samsung-PBA Player of the Week
September 17, 2002 | 12:00am
Isang hakbang na lamang at makakamit na ng Talk N Text Phone Pals ang kanilang pinakamimithing kauna-unahang korona sa Philippine Basketball Association.
Sa kasalukuyang Samsung-PBA Commissioners Cup, taglay na ng bataan ni coach Bill Bayno ang malaking bentahe sa best-of-seven titular showdown nila ng Batang Red Bull sa 3-2 win-loss slate.
At sa magandang kapalarang ito ng Phone Pals ay naging malaking bahagi ang impresibong performance na ipinamalas ni Felix Belano na siyang bumalikat ng husto matapos na malagay sa foul trouble si Kenny Evans sa Game Five upang pabagsakin ang Thunder sa iskor na 77-55.
Nakalubog ang Phone Pals mula sa 16 puntos patungong final canto, pinangunahan nina Belano at Gilbert Demape ang malaking rally na ibinaba ng Talk N Text ang naging tulay upang maisubi ng Phone Pals ang Game Five.
Dahil sa kabayanihang ito ni Belano, siya ang nahirang para parangalan bilang PBA Samsung Player of the Week mula Setyembre. "Felix Belano, Kenny Evans and Gilbert Demape, guys who other teams couldnt find room in their roster for. "Theyve been working so hard and Im just proud of them," pahayag ni Bayno.
Bunga nito, kailangan na lamang ng Phone Pals na manalo bukas sa Game Six upang tuluyan ng makamit ang kampeonato.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended