Kailangan ni Presbitero na talunin sa Setyembre 18 ang tigasing kalaban na si World Boxing Organization Asia Pacific lightweight #16 at Pan Asian Boxing Association (PABA) flyweight #1 contender na si Roy Doliguez sa 10-round bout sa Theater of Casino Filipino-Parañaque na tinaguriang Matira Matibay II.
Maagang nagpamalas si Presbitero ng kanyang kahusayan nang sa tatlong taon pa lamang nitong pag-akyat sa professional boxing, agad niyang nasungkit ang Philippine Lightflyweight title nang kanyang gapiin si Eugene Gonzales sa pama-magitan ng unanimous decision sa kanilang laban noong nakaraang Hulyo 7, 2000.
Ngunit sa sumunod niyang laban noong Enero 6 ng nakaraang taon, nabigo siya kontra kay Jorge Arce ng Mexico para sa World Boxing Council Youth Lightflyweight Championship. (Ulat ni Maribeth Repizo)