^

PSN Palaro

WBO Asia Pacific title tangka ni Presbitero

-
Iisa lamang ang nais maisakatuparan ni dating ligthflyweight champion of the Philippines at kasalukuyang Asian Boxing Association (PABA) #5 light-flyweight contender Jovan Presbitero ang masungkit ang World Boxing Organization Asia Pacific lightflyweight crown.

Kailangan ni Presbitero na talunin sa Setyembre 18 ang tigasing kalaban na si World Boxing Organization Asia Pacific lightweight #16 at Pan Asian Boxing Association (PABA) flyweight #1 contender na si Roy Doliguez sa 10-round bout sa Theater of Casino Filipino-Parañaque na tinaguriang ‘Matira Matibay II.’

Maagang nagpamalas si Presbitero ng kanyang kahusayan nang sa tatlong taon pa lamang nitong pag-akyat sa professional boxing, agad niyang nasungkit ang Philippine Lightflyweight title nang kanyang gapiin si Eugene Gonzales sa pama-magitan ng unanimous decision sa kanilang laban noong nakaraang Hulyo 7, 2000.

Ngunit sa sumunod niyang laban noong Enero 6 ng nakaraang taon, nabigo siya kontra kay Jorge Arce ng Mexico para sa World Boxing Council Youth Lightflyweight Championship. (Ulat ni Maribeth Repizo)

ASIAN BOXING ASSOCIATION

EUGENE GONZALES

JORGE ARCE

JOVAN PRESBITERO

MARIBETH REPIZO

MATIRA MATIBAY

PAN ASIAN BOXING ASSOCIATION

PHILIPPINE LIGHTFLYWEIGHT

PRESBITERO

ROY DOLIGUEZ

WORLD BOXING ORGANIZATION ASIA PACIFIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with