Dala ng International Pharmaceutical Inc., (IPI) franchise ang pangalan ng Mamas Love, sila ang naging crowd favorite sa PABL kung saan malaking suporta ang kanilang nakuha mula sa Manila-based Cebuanos at local supporters para saksihan ang kanilang mga laro.
Ang nasabi ring koponan ang nagpasikat sa mga PBA superstars na sina Jojo Lastimosa, Yves Dignadice, Elmer Cabahug, Ric-Ric Marata at Larry Villanil.
Ang magandang performance ng Alcohol Masters ay nakasalalay sa kanilang talented line-up na pangungunahan ng 65 ex-pros na sina Jan Montalbo at Ruel Buenaventura, three-point shooter James Relampagos, Christopher Guerrero, Reland Jumalon at Ronald Paraiso sa ilalim ng top Cebu coach na si Norberto Titing Manalili.
Ang iba pang kukumpleto sa koponan ay sina Ranulfo Abo, Ceilito Celiz, Sidney James Estrera, Isagani Mercado, Raul Redulosa, Mario Suarez, Bernie Ursal at Glenn Yuson.
Makakasama ng Casino Rubbing Alcohol ang Blu All-Purpose, Montana Jewels at General Milling sa Group A, habang sa Group B magkakasama naman ang Regent Cheese Ball-Shark, Hapee Toothpaste Cebu, John-O at Skygo Riders.
Ang bawat grupo ay lalaro ng single round robin series na ang top two ang siyang magtitipan sa crossover semifinals na ang mananalo naman ang siyang mag-aagawan sa korona, habang ang talunan ay mapapasabak para sa third place. (Ulat ni Maribeth Repizo)