Do or Die para sa Dolphins at Blazers
September 12, 2002 | 12:00am
Naipuwersa ng Philippine Christian University ang sudden-death match kontra sa College of St. Benilde matapos ang 95-93 panalo sa overtime sa pagpapatuloy ng 78th NCAA mens basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum kagabi.
Ang panalo ng Dolphins ang nagpalawig ng kanilang tsansa na maka-rating sa kampeonato kung saan muli nilang haharapin ang Blazers para sa do-or-die game bukas upang mabatid kung sino sa kanila ang ookupa ng ikalawang finals berth.
Sumandig ang Dolphins sa matikas na pulso ni Jojo Roque nang kan-yang isalpak ang dala-wang free throws may 7 segundo na lamang ang nalalabi sa laro upang hatakin ang laban sa extra limang minuto.
Hindi na sana dumaan pa sa overtime ang laro kung pumasok lamang ang pinakawalang tres ni Roque.
Nauna rito, kinaila-ngan ng defending champion San Sebastian College ng overtime upang pabagsakin ang Jose Rizal University, 102-96.
Ang panalong ito ang nagluklok sa SSC Stags sa unang finals slot
Sa juniors game, tinalo ng MIT Red Robins ang SSC Staglets, 87-65 para sa karapatang hamunin ang defending champion Letran Squires na may twice-to-beat advantage kung saan ang mananalo ay haharap naman sa naka-sweep na San Beda.(M.Repizo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended