Aksiyon sa semis raratsada na
September 11, 2002 | 12:00am
Patas-patas lang ang labanan.
Ito ang sinabi ni Turo Valenzona, ang coach ng defending champion San Sebastian College ukol sa semifinal round ng NCAA mens basketball tournament na magsisimula ngayon sa Rizal Memorial Coliseum.
Nakatakdang sagupain ng SSC Stags ang Jose Rizal University sa unang laro sa seniors sa ganap na alas-2:00 ng hapon habang sa isa pang semis match ay sa pagitan ng College of Saint Benilde at Philippine Christian University sa dakong alas-4:00.
Nagtapos ang Baste bilang topnotcher sa eliminations kasunod ang CSB Blazers na nagkaloob sa kanila ng twice-to-beat advantage kontra sa kani-kanilang mga kalaban.
Ang no. 3 na JRU Heavy Bombers at no. 4 na PCU Dolphins ay ma-ngangailangan ng dalawang panalo upang makapasok sa championship round na paglalabanan sa best-of-three.
Sa kaisa-isang juniors game, magsasagupa naman ang SSC Stags at MIT Red Robins sa ganap na alas-11:30 ng umaga sa kanilang knock-out game.
Ang mananalo rito ay haharap sa defending champion Letran Squire na may twice-to-beat advantage upang matukoy kung sino ang haharap sa San Beda Red Cubs na naka-sweep ng eliminations na nagkaloob sa kanila ng awtomatikong finals berth. (Ulat ni CVOCHOA)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended