^

PSN Palaro

FEU, Army B nanalo

-
Kapwa nagsipagwagi ang Far Eastern University at Army B nitong nakalipas na linggo sa kani-kanilang Second Division groups sa kasalukuyang 2nd Army-Utilco International Invitational football tournament sa Ascom field sa Fort Bonifacio Makati City.

Hiniya ng FEU booters ang paboritong Sunday Football Club, 1-0 mula sa tira ni Kristin Kirk Magbalon sa 22nd minute upang pagandahin ang kani-lang record sa dalawang panalo at isang tabla na naghatid sa kanila ng pangunguna sa Group A matapos na makalikom ng pitong puntos.

Naungusan naman ng Armymen ang University of the East para sa kanilang ikatlong sunod na panalo sa kabuuang siyam na puntos sa Group B.

Nagpasiklab sina Ali Roxas at Christian Lozano na kumana ng tig-dalawang goals nang igiya ang Kaya FC sa 5-4 panalo kontra sa University of the Philippines sa nag-iisang laro sa First Division.

Sa iba pang laro, tinalo ng El Magistrado ang Mapua, 10-0; binokya ng PCU-Dasmariñas ang Eagles FC, 1-0.

vuukle comment

ALI ROXAS

ARMY B

ARMY-UTILCO INTERNATIONAL INVITATIONAL

CHRISTIAN LOZANO

EL MAGISTRADO

FAR EASTERN UNIVERSITY

FIRST DIVISION

FORT BONIFACIO MAKATI CITY

GROUP A

GROUP B

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with