^

PSN Palaro

Nakakatakot ang Beermen

FREE THROWS - AC Zaldivar -
PABALIKIN pa kaya ng San Miguel Beer si Terquinn Tuva Mott para sa mga susunod na conferences kung saan malalaking imports ang kailangan?

Palagay ko, malabo nang mangyari ito.

Kahit na siguro ang mga ibang koponan ay hindi na susugal kay Mott dahil sa mga pinaggagagawa niya. Magaling kung sa magaling. Pero hindi lang iyon ang criteria para sa isang import, eh. Kailangan ay mahusay ding makisama at hindi barumbado.

Biruin mong nakikipagsagutan siya sa kanyang coach na si Bethune Tanquincen sa Game One ng semifinals series sa pagitan ng San Miguel at Red Bull. sa Game Two naman ay sinakal niya si Red Bull import Antonio Lang kung kaya’t napagmulta siya ng malaki-laki ng PBA Commissioner’s Office.

Kapag tiningnan mo nga ang record ni Mott, makikitang tatlong beses sa walong games lamang nagwagi ang Beermen buhat nang palitan niya si Art Long. Minsan silang nagwagi laban sa Coca-Cola sa quarterfinals kung kaya’t nakarating sila sa semis. Sa Game Three ng semis ay tinalo nila ang Red Bull. Pagkatapos ay nanaig sila kontra Alaska Aces upang makopo ang ikatlong puwesto.

Si Long ay nakatulong upang magwagi ang Beermen nang anim na beses sa walong laro bago siya pinalitan ni Mott.

Sabihin na nating tumersera ang Beermen nang si Mott ang kanilang import at ito’y improvement sa fourth place finish nila sa nagdaang Governors Cup. Pero hindi naman siguro aabot ang Beermen sa kinalagyan nila kundi nagwagi ng anim na laro sa tulong ni Long sa elimination round.

Kaya nga may nagsasabing baka nga mas malayo pa ang inabot ng Beermen kung nanatili sa kanilang poder si Long.

Pero tapos na iyon, eh.

Tumersera na nga ang Beermen at aalis na si Mott. Hindi natin alam kung babalik pa siya.

Mission accomplished na si Tanquincen dahil sa magbabalik na sa San Miguel si coach Joseph Uichico matapos ang Busan Asian Games. Bukod kay Uichico ay babalik na rin sa poder ng San Migulel Beer sina Danilo Ildefonso, Danny Seigle, Rodericko Racela at Dondon Hontiveros para sa All-Filipino Cup na magsisimula sa Oktubre 20.

Okay na rin ang na-achieve ni Tanquincen. Biruin mong kahit na wala ang head coach nila’t mga superstars ay nakarating ang Beermen sa semifinals ng unang dalawang conferences sa taong ito. Ibig sabihin ay very consistent siya.

Kaya naman nakakatakot ang San Miguel Beer sa All-Filipino Cup.

Yung tutoong nakakatakot, ha! Hindi yung nakakatakot dahil sa mayroon silang di-mawaring import na tulad ni Mott!

Iba ‘yon, eh.

ALASKA ACES

ALL-FILIPINO CUP

ANTONIO LANG

ART LONG

BEERMEN

BETHUNE TANQUINCEN

PERO

RED BULL

SAN MIGUEL

SAN MIGUEL BEER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with