Reyes kampeon sa Riverside Open 9-ball
September 8, 2002 | 12:00am
Napagwagian ni Efren Bata Reyes ang Riverside Open 9-Ball Tournament sa Shooters Bar and Grill sa California nang kanyang gapiin si Evgeny Stalev, 11-7 sa finals.
Nagawang umahon ni Reyes sa maagang pagkatalo mula sa losers bracket upang ibulsa ang korona ng tatlong araw na tournament nitong nakaraang linggo.
Ayon sa report mula sa AZbilliards sinabi ni Reyes na "earned a standing ovation from the capacity crowd of 500 as he lived up to everyones expectations as one of the top pool players in the world." Umabot sa 89 ang sumali sa nasabing tournament.
Nagbulsa si Reyes ng $3,000 na siyang top prize sa naturang tournament na idinaos ng Shooters Bar & Grill na pag-aari ni Bill Alden, habang nag-uwi naman si Stalev ng $2,000 para sa kanyang second place finish. Tumapos ang Amerikanong si Kim Davenport ng ikatlong puwesto, habang ang pumang-apat naman ang Filipino veteran na si Amang Parica.
Kabilang sa iba pang mga kalahok sa Riverside tournament sina defending champion Ernesto Dominguez, Filipinong sina Santos Sambajon at Rodolfo Luat, dating World Pool Championship runner-up Ismael Paez.
Nauna rito, nagwagi si Reyes ng $50,000 winner-take-all top prize sa Challenge of Champions sa Connecticut nang kanyang silatin ang 2001 World Pool Champion Mika Immonen sa makapigil hiningang one rack sudden-death playoff. Ang tagumpay ni Reyes sa Connecticut ay napagitnaan sa dalawang panalo nina Francisco Django Bustamante na namayani sa Coliseum Mall Peninsula 9-Ball Open sa Hampton, Virginia at Gabriels Las Vegas Invitational 9-Ball Championship.
Sina Reyes at Bustamante ang siyang mangunguna sa kampanya ng Philippine team sa Asian Games sa Busan, South Korea sa pagtatapos ng buwang ito at isa sila sa inaasahang makapag-uuwi ng gintong medalya para sa bansa.
Si Bustamante rin ang siyang napili ng Philippine Olympic Committee na maging flag bearer sa opening ceremonies sa September 29.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest