UST Tigers di nakalusot sa Ateneo Blue Eagles
September 1, 2002 | 12:00am
Matatag na pulso sa free throw line ni Rich Alvarez sa huling bahagi ng sagupaan ang naging mitsa ng gahiblang 65-64 panalo ng Ateneo de Manila kontra sa University of Santo Tomas kahapon sa pagpapatuloy ng 65th UAAP mens basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.
Mula sa 63-pagtatabla, sa huling 31 segundo ng labanan, kampan-teng isinalpak ni Alvarez ang kanyang dalawang free throws na hinugot sa foul ni Warren de Guzman upang iselyo ang tagumpay ng Blue Eagles na nagkaloob sa kanila ng pakikipagtabla sa kanilang biktimang Tigers sa ikatlong puwesto bunga ng kanilang magkawa-ngis na 6-11 win-loss slate.
Nauna rito, sumandig naman ang University of the Philippines sa tikas ni Michael Bravo sa huling bahagi ng labanan upang malusutan ang tangkang pagbangon ng Adamson matapos ang 67-65 panalo.
Ang tagumpay ay muling nagpatuloy sa pag-asa ng UP Maroons na makasilat ng slot sa Final Four sanhi ng kanilang 4-6 win-loss slate.
Sa junior games, nakopo ng UP Baby Maroons ang solong liderato matapos na pasadsarin ang Adamson Baby Falcons, 63-59 upang iposte ang kanilang ikawalong panalo matapos ang siyam na asignatura.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest