Alaska o Talk 'N Text sa sudden match
September 1, 2002 | 12:00am
Kritikal para sa Alaska Aces at Talk N Text Phone Pals ang nakatak-da nilang sudden-death playoff ngayon kung saan ang isang pagkakamali ang magdadala sa kanila sa pagkakatalsik sa kon-tensiyon.
Kayat para sa dalawang guro na sina Tim Cone at Bill Bayno, ilala-bas nila ang lalim ng kani-kanilang bench tactician, gayundin ang manlalaro sa pagitan ng dalawang koponan sa nakatakdang alas-5:15 ng hapong sultada para sa Game-Five ng kanilang semifinals series ng PBA Samsung Commissioners Cup sa Big Dome.
Nakataya sa sagupaang ito ang ikalawa at huling finals berth kung saan naghihintay na lamang ang kanilang kalaban na defending champion Batang Red Bull para sa best-of-seven championships series
Nakauna na sa finals ang Thunder nang kanilang dispatsahin ang San Miguel Beer sa iskor na 85-80 sa Game-Four ng sarili nilang best-of-five semis round noong Biyernes sa Cuneta Astrodome.
Taliwas sa Aces, nasa panig nila ngayon ang momentum matapos na makaahon mula sa 0-2 deficit at itabla ang serye sa 2-2 na naging daan upang hatakin ang knockout match.
Sa labang ito, aminado si Cone na wala sa kanila ang pressure kundi nasa Phone Pals kayat batid niya na agresibong opensa ang ilalabas ng tropa ni Bayno.
Pero magkagayunman, nakahanda naman si Cone na tapatan kung ano man ang hamong kakaharapin ng kanyang tropa at ito ang kanilang pinaghandaang mabuti.
Samantala, umiskor ng triples si Eric Menk kasabay ng pagtunog ng buzzer ang nagligtas sa RP-Selecta Team sa 94-91 panalo kontra sa bisitang Melbourne Tigers sa kanilang exhibition game sa Araneta Coliseum kagabi.
Ang panalong ito ng Nationals kontra sa tigasing Australians na binabanderahan ng dalawang dating NBA players na sina Andrew Gaze at Mike Bradtke ang nagpalakas ng kumpiyansa ng koponan na makapagsubi ng medalyang ginto sa nalalapit na Asian Games sa Busan, Korea.
"More than the victory, were glad for the lessons learned from these past two games," pahayag ni National team coach Jong Uichico. "Our team has improved a lot from when we played in Italy, or when we played against Chinese-Taipei, or even when we played our first game against the Australians.
Dahil sa panalong ito, nagawang maipaghiganti ng Nationals ang kanilang masaklap na 80-76 pagkatalo sa opening game ng kanilang exhibition series noong Huwebes.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended