Ang tatlong teams na yan ay ang LBC Batangas, Cebu Lhuillier at RFM Swift.
Isa sa mga original members ng PBL (na noon ay PABL pa) ay ang Swift. Kaya naman natutuwa rin sina Joey Concepcion at Elmer Yanga na makakabalik sila sa dati nilang tahanan.
Wala pa ring coach ang LBC. Wala pa ring coach ang Swift.
Sabi-sabi, sangkaterbang coach ang naga-apply sa Swift pero wala pa rin silang napipisil.
May mga sigurado na sa line-up nila pero siyempre, hoping sila na baka may makuha pa silang magaling mula sa tryout.
Isa sa mga napapirma na nila ay si Ariel Capuz na dating player ng JRU at Ana Freezers.
May napapirma na rin silang isang MBA player na ikagugulat ng marami kapag nalaman nila kung sino.
Taon-taon ay kinapapanabikan ang labanang ito dahil nakakatuwa nga namang makita na ang mga players na 40 and up na ang age ay malalakas pa rin at mabibilis.
Ang team owner ng Welcoat team na si Terry Que ang siyang nangunguna sa koponang ito.
Makakasama niya sina Freddie Hubalde, Abet Guidaben at Lim Eng Beng.
Pero hindi sila sa Philippine team maglalaro kundi sa Malaysia.
Speaking of Samboy Lim, nais lang nating batiin si Samboy dahil sa pagkakapanalo nito ng MVP award sa nakaraang 4th Danny Espiritu Cup. Miyembro ng Hartman Seigle team itong si Samboy. Head coach nila ay si Mike Ganglani at ang consultant ay ang kaibigan nating si Boy Lapid.
Congratulations sa inyong lahat sa Hartman team.
Kung anu-anong magagandang salita ang binibitiwan niya at para bang isa siyang santo sa mga sinasabi niya. Para bang kay bait-bait niya.
Bakit tawa ng tawa si advertising agent?
Hanggang ngayon daw, ilang taon na ang nakakalipas, hindi pa rin ibinibigay sa kanya ng naturang player ang komisyon niya sa isang tv commercial na ibinigay niya sa naturang player.
"Balasubas ang player na yan kaya wala siyang karapatang magsalita na akala moy pagkabait-bait niya," sabi ni agent.