^

PSN Palaro

Nalimutang MBA 5

GAME NA! - Bill Velasco -
Bukas, malalaman na ng limang napag-iwanang koponan kung matatanggap na nilang ang mahigit dalawang buwang suweldong utang sa kanila ng MBA.

Humarap ang kinatawan ng limang Pampanga Stars, Pangasinan Waves, Cagayan de Oro Amigos, Negros Slashers and Olongapo Volunteers sa LBC noong isang hapon para hingiin sa MBA board ang kanilang mga sahod.

"It's been very hard for us, sabi ni Cagayan de Oro Amigos team manager Bong Natividad. "We never gave the league problems, and we acted on their word that the money would come. But it's been more than a month, and they haven't told us anything."

"We've gotten calls from players, mothers and wives, and they've been crying to us," dagdag ni Amigos coach Vic Ycasiano. "They've had to return cars and appliances they were paying on installment, and their phones have been cut.

Players have been evicted from homes they were renting."

"Ginawa namin ang lahat para itayo ang liga," sabi ni Allan Trinidad, manager ng Pampanga Stars. "Pinuno namin ang mga pagkukulang nila. Nabayaran na yung tatlong teams (LBC Batangas Blades, Cebuana Lhuillier Gems, Professional Davao Eagles). Paano naman kami? Dati, VIP treatment kami sa probinsya namin. Ngayon, masama ang tingin sa amin dahil sa utang namin sa huli naming mga laro."

Ang Olongapo Volunteers ay nakapaghanda na ng demand letter bago mag-Martes.

"I told my players to look for jobs already," lahad ni Volunteers manager LJ Gordon. "I had nothing to promise them."

Subalit, pagdating sa LBC compound na pinagdarausan ng miting, nakita nila ang masakit na katotohanan. Isinara ang MBA dahil mahigit P 20 milyon ang gastos nito buwan-buwan, habang halos P 2 milyon lamang ang pumapasok.

"I even gave P 10 million of my own money to buy the league two weeks of breathing room," ani MBA Chair Santi Araneta. "I hoped to find investors. In that time, I got a no. Where will we get the money now?"

Napagkasunduan na ng MBA board na magdeklara na ng bankruptcy upang mapigil na ang pagdugo ng salapi. Ang pag-uusapan bukas ng umaga ay kung magkano ang kaya o kakayanin pang bayaran sa halos P 13.5 milyong utang sa limang koponang naulila. Pagkatapos ng kanilang negosasyon, haharap ang grupo sa SCOOP sa Kamayan sa West Avenue upang ilahad ang kanilang mga plano, kabilang na ang posibleng pagtatag ng bagong liga.

Para sa mga manlalaro, hindi na nila hawak ang kanilang kapalaran, at nawalan ng kagat ang mga kontratang kanilang nilagdaan.

ALLAN TRINIDAD

ANG OLONGAPO VOLUNTEERS

BATANGAS BLADES

BONG NATIVIDAD

CEBUANA LHUILLIER GEMS

CHAIR SANTI ARANETA

NEGROS SLASHERS AND OLONGAPO VOLUNTEERS

ORO AMIGOS

PAMPANGA STARS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with