^

PSN Palaro

Angeles, kampeon sa 9-Ball singles

-
Gumawa ng ingay ang unrated na si Nina Angeles ng Antipolo City nang tanghaling individual 9-Ball singles champion sa Philippines-Singapore Women’s Cue Challenge noong nakaraang Linggo nang kanyang igupo si Iris Ranola ng Zamboanga City, 7-3 sa all-Filipino finals sa Robinson Place Manila.

Agad na kinana ni Angeles, 18-anyos na may taas na 5-foot-4 na anak ng isang may-ari ng ilang billiards hall sa Metro Manila ang dalawang rack na kalamangan sa simula ng laban na hindi na niya bini-tiwan pa.

Makaraang kunin ni Ranola ang third rack, muling nanalasa si Angeles nang kanyang walisin ang tatlong sumunod na racks para sa kampanteng 5-1 bentahe sa race-to-7 match.

Kapwa tinalo nina Angeles at Ranola ang kani-kanilang kalabang Singaporeans sa semifinals.

Pinatalsik ni Angeles si Amy Hoe, 6-3, habang niyanig naman ng 5-footer na si Ranola, na hinasa ang kanyang abilidad sa paglalaro ng billiards sa sariling lamesa na pag-aari ng kanyang pamilya sa Zamboanga si Zen Ong, rated No. 127 sa mundo, 6-1.

Sinilat din ng Philippines ang Singapore, 19-5 upang magwagi sa 8-ball team crown noong Sabado sa series na sponsored ng New Pagcor, Philippine Sports Commission, Bruinswick at Ivan Simonis.

Namayani naman ang Asian Games-bound na si Lee Van Corteza sa kapwa niya Asian Gamer na si Antonio Li-ning, 7-2 sa exhibition match ng tourney na may sanctioned ng Billiards & Snookers Congress of the Philippines.

vuukle comment

AMY HOE

ANTIPOLO CITY

ANTONIO LI

ASIAN GAMER

ASIAN GAMES

CUE CHALLENGE

IRIS RANOLA

IVAN SIMONIS

LEE VAN CORTEZA

RANOLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with