^

PSN Palaro

Ano’ng Natutunan Natin?

GAME NA! - Bill Velasco -
Ano ang mga natututnan natin sa dalawang larong pakikipaglaban ng RP-Selecta sa Chinese-Taipei, at ano ang mga dapat pang alamin? May maikli tayong talaan na maaaring pag-aralan.

Pagkakaisa. "Cohesion," "jelling," "chemistry," ang madalas nating marinig. Bagamat madalas nang nag-eensayo ng dalawang beses sa isang araw, sa pananaw ng marami - maging ang coaching staff ng koponan mismo kulang pa ang pagbabasa ng mga manlalaro sa isa't isa. Ito ang isang kailangang mapaigting pa, dahil walang play na magagawa ang coach para gumanda ito. Kailangan pag nasa court, magkatinginan lang ang player, alam na nila ang gagawin.

Outside shooting. Hindi puwedeng idiin ito ng labis. Kapag nakaharap natin ang mga Intsik at Lebanese, hahamunin tayo sa loob, kaya't kailangan ng pamatay mula sa labas. Uunat ang depensa, at saka tayo makakapasok sa loob.

Ikot ng bola. Sa international game, halos walang dribol. Alam naman nating mas mabilis ang takbo ng bola kaysa sa tao, kaya't iyon ang isang natagpuan ng RP-Selecta sa Italy. Kung maganda ang ikot ng bola, palaging may malilibre.

Weak side. Dito tayo makakadisgrasya. Kung maraming pumapasok galing sa weak side, mahirap depensahan. Madaling butas-butasin ang depensa mula sa tagiliran at ilalim, dahil nakatuon ang pansin sa may hawak ng bola.

Fastbreak. Sabi ni Olsen Racela, kaya nilang makipagsabayan ng laki, kaya rin nilang magpasok ng lima na maliit. Yung huli siguro ang magiging lamang natin, dahil maaari nating takbuhan nang takbuhan ang mas malalaking koponan. Tandaan din nating puro guwardya ang coach ng RP-Selecta, kaya't madaling ituro ang transition.

Puso. Ito ang malaking kuwestiyon. Pag nagkasubukan na, pag dehado na, papalag pa ba? Karamihan sa mga Fil-Am na nasa RP team ay ngayon lang masasabak sa ganitong klaseng labanan. Gaano katatag ang kanilang paninindigan?

Malalaman natin sa pagdating naman ng mga Australyano.

Ano sa tingin ninyo?

ALAM

ANO

AUSTRALYANO

BAGAMAT

CHINESE-TAIPEI

DITO

FASTBREAK

OLSEN RACELA

SELECTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with