SMB, Alaska babawi
August 25, 2002 | 12:00am
Nakatuon ang mga mata ngayon ng defending champion Batang Red Bull at Talk N Text Phone Pals sa 2-0 bentahe na maglalapit sa kanila sa championship round ng Samsung-PBA Commis-sioners Cup.
Muling haharapin ng Thunder at Phone Pals ang magkahiwalay na katunggali sa Game-Two ng kani-kanilang best-of-five semifinal series sa pagpapatuloy ngayon ng aksiyon sa Araneta Coliseum.
Unang sasalang ang Red Bull na haharap sa San Miguel Beer sa eksaktong alas-3:45 ng hapon at isusunod naman ang pakikipaglaban ng Talk N Text kontra sa Alaska Aces sa dakong alas-5:45.
Kapwa nagsipagwagi ang Phone Pals at Thunder sa pagbubukas ng semifinal round na nagbigay sa kanila ng 1-0 bentahe sa serye at sa pamamagitan ng kanilang tagumpay ngayon, isang panalo na lamang ang kanilang kailangan upang makapasok sa best-of-seven championship series.
Sinindak ng Talk N Text ang Aces sa pamamagitan ng kanilang 82-78 panalo kamakalawa habang natakasan naman ng Red Bull ang mahigpit na hamon ng Beermen upang hatakin ang 72-68 tagumpay.
Inaasahang muling magpapasiklaban sina San Miguel imports Terq Mott at Shea Seals at Tony Lang at Julius Nwosu ng Thunder kasama ang matikas na si Davonn Harp.
Muling sasandalan naman ng Phone Pals sina Pete Mickeal at Jerald Honeycutt na siyang bumandera sa kanilang nakaraang tagumpay habang tatapatan naman ito nina Ajani Williams at Chris Carawell ng Aces.
Samantala, hangad ni National coach Jong Uichico na magkaroon ng mabigat na pagsubok ang kanyang Asian Games bound team at itoy magkakaroon ng katuparan.
Siguradong makakaliskisan ng husto ang RP- Selecta team ng bibi-sitang Melbourne Tigers na kinabibilangan ng sikat na Olympians na sina Andrew Gaze at Mark Bradtke at dalawang dating PBA imports sa kanilang exhibition series sa susunod na linggo.
Mabigat na kalaban ang Australia dahil kina Gaze, four time Olympian at Bradtke at ang kasalukuyang MVP ng Australia national league para sa Nationals na naghahanda para sa Busan Asiad.
Ang 67 na si Gaze ay isang alarma sa Australia dahil sa kanyang apat na beses na appearance sa Olympics at ang kanyang matagumpay na stint sa US NCAA sa Seton Hall at sa NBA sa kanyang paglalaro sa San Antonio Spurs at Washington Wizards.
Isa rin si Bradtke sa haligi ng Australian team dahil nakasama nito si Gaze sa tatlong Olympics at dalawang world championships bago ito namayagpag sa National Basketball League kung saan ibinulsa nito ang MVP trophy.
Kasama rin sa Melbourne team na dalawang beses naging champion sa Australia sina Bernard Copeland na naglaro sa Pepsi team noong 90s at Marcus Timmons na naging import naman ng Ginebra.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended