Talk 'N Text nakauna
August 24, 2002 | 12:00am
Nakasulong ang Talk N Text Phone Pals sa unang hakbang patu-ngong kampeonato nang kanilang igupo ang Alaska Aces sa pagbubukas ng kanilang semifinal showdown, 82-78 kagabi sa Samsung-PBA Commissioners Cup sa Ynares Center.
Kumawala sa ikatlong quarter ang Phone Pals upang iposte ang 14 puntos na kalamangan na kanilang pinangalagaan sa ikaapat na canto upang maipreserba ang tagumpay na nagkaloob sa kanila ng 1-0 bentahe sa best-of-five mini series.
Mula sa 51-pagtatabla ng score, pinangunahan ni import Jerald Honeycutt ang umaatikabong 18-4 run upang isara ang ikatlong canto na taglay ang 69-55 bentahe papasok sa final canto.
Pinigilan ng Phone Pals ang malaking rally ng Aces na nagbaba ng kanilang agwat sa apat na puntos na lamang, 75-71, mula sa three point play ni Ajani Williams na tumapos ng isang 12-0 run.
Ngunit ibinalik ng Phone Pals ang kanilang bentahe sa 10 puntos, 82-72 mula sa triple ni Honeycutt at basket ni Mark Telan papasok sa huling 1:56 oras ng labanan.
"The key is our conditioning. We got tons of rebounds and run a lot of fastbreaks," pahayag ni Talk N Text coach Bill Bayno. " I give the guys credit. Theyre a bunch of guys who never had a chance in this league before."
Pinangunahan ni Honeycutt ang Talk N Text sa paghakot ng 26 puntos at 9 rebounds habang sumegunda naman ang kanyang partner na si Pete Mickeal na may 25 puntos at 9 rebounds.
Sa produksiyon ng dalawang imports, hindi halatang kapwa may nararamdaman ang dalawa at katunayan kalalabas lamang ni Mickeal sa ospital kahapon ng alas-2 ng hapon dahil sa pananakit ng tiyan. Hindi rin nakapag-ensayo si Honeycutt na tulad ni Mickeal ay masakit din ang tiyan.
Malaki ang naging kontribusyon ng mga local players na ikinatuwa ni Bayno. " Guys like Kenny Evans, Felix Belano and Elmer Lago were given up dead other teams and theyre either starting playing quality minutes for us."
Samantala, habang sinusulat ang balitang ito kasalukuyang naglalaban ang defending champion Red Bull at San Miguel sa kanilang sariling best-of-five series. (Ulat ni Carmela V.Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am