^

PSN Palaro

Final 4 napana ng DLSU

-
Umiskor si Joseph Yeo ng 24 puntos upang trangkuhan ang defending champion De La Salle University sa 91-89 tagumpay kontra University of Santo Tomas sa overtime game kahapon sa pagpapatuloy ng 68th UAAP men’s basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.

Ang panalo ay ikasiyam na sunod ng Archers na naghatid sa kanila para okupahan ang unang slot sa Final Four, habang natikman naman ng Tigers ang kanilang ikaanim na kabiguan matapos ang apat na panalo sa 10-laro.

Samantala, nakapasok na rin sa wakas ang host National University sa win column makaraang igupo ang Adam-on U, 98-92.

Nagsilbing bayani ng NU Bulldogs sa kanilang unang panalo matapos ang ikawalong dikit na kabiguan ang kabayanihan ni Jeff Napa na nagpasiklab ng husto sa rainbow area nang kumana ito ng record-tying 10 triples upang tumapos ng 43 puntos na nagtabla ng old time marka na naiposte naman ni Allan Caidic ng UE sa kanilang pama-mayani kontra FEU, 84-83 noong 1985.(Ulat ni M. Repizo)

ALLAN CAIDIC

DE LA SALLE UNIVERSITY

FINAL FOUR

JEFF NAPA

JOSEPH YEO

NAGSILBING

NATIONAL UNIVERSITY

REPIZO

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with