patungo sa dalawang slots sa championship ng Samsung-PBA Commissioners Cup sa Ynares Center.
Magbubukas ngayon ang dalawang best-of-five semifinal series upang matukoy kung sino ang magtutuos sa best-of-seven titular showdown para sa titulo ng ikalawang kumperensiyang ito.
Unang magpapang-abot ang Alaska Aces at Talk N Text Phone Pals sa unang semis match na sisimulan sa ganap na alas-5:30 ng hapon.
Isusunod naman ang 2001 Commissioners Cup finals rematch ng defending champion Batang Red Bull at San Miguel Beer sa dakong alas-7:30 ng gabi bilang main game.
Ang labanang Aces at Phone Pals ay labanan ng dalawang Amerikanong coaches sa katauhan nina Tim Cone ng Alaska at Bill Bayno ng Talk N Text.
Inaasahang gitgitang labanan naman ang magaganap sa pagitan ng Thunder at Beermen na hangad makabawi sa kanilang pagkatalo sa finals ng kumperensiyang ito noong nakaraang taon, 2-4.
Magiging pangunahing sandata ng Thunder ang kanilang eksplosi-bong imports na sina Julius Nwosu at Tony Lang, ang Best Import noong nakaraang taon dagdag pa ang talento na hatid ni Davonn Harp.
Tatapatan naman ito ng balik San Miguel import na si Terquinn Mott na higit na nagpalakas ng puwersa ng Beermen kasama ang matikas na si Shea Seals.
Matatandaang naging maaksiyon ang naging paghaharap ng Red Bull at San Miguel sa eliminations hindi lamang sa court kundi pati na rin sa labas ng court.
Nagkaroon ng bench clearing incident kung saan malaki ang naging kontribusyon ni Art Long habang nadamay naman si Lang na parehong pinagmulta ng P50,000.
Mula sa dalawang sunod na panalo sa magkasunod na araw para
dispatsahin ang no. 2 seed na Sta. Lucia Realty, inaasahang mataas ang morale ngayon ng Phone Pals na pangungunahan naman nina Jerald Honeycutt at Pete Mickael.
Ang tambalang Ajani Williams at Chris Carawell ang sasandalan naman ng Aces na galing sa sudden death match laban sa FedEx upang kumple-tuhin ang cast ng semifinals. (Ulat ni CVOchoa)