^

PSN Palaro

Dolphins pinasabugan ng Heavy Bombers

-
Matagumpay na naikonekta ni Joel Villarin ang napakahalagang tres na nagkaloob sa Jose Rizal University sa 94-91 panalo kontra sa Philippine Christian University sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Rizal Memorial Coliseum.

Higit na pinaigting ng JRU Heavy Bombers  ang kanilang kampanya sa Final Four matapos umangat sa 7-4 record na nagbunga ng kanilang pakikipagtabla sa kanilang biktimang Dolphins sa ikatlong puwesto.

Binasag ng krusyal na tres ni Villarin ang 91-pagtatabla ng score na siyang nagkaloob sa Jose Rizal ng 94-91 kalamangan, 4 segundo na lamang ang natitirang oras sa laro.

Tumapos lamang ng 6-puntos si Villarin ngunit ang kanyang tres ang nagkumplimento sa 21 puntos ni Marco Fajardo, 17 puntos ni Edward Attunaga at 15 puntos ni Joel Finuliar.

Bagamat may tsansa pa ang Dolphins, walang nangyari sa kanilang huling posesyon nang pumaltos lamang ang minadaling three-point attempt ni Vernzon Franco.

Naipaghiganti ng Jose Rizal ang kabiguan ng kanilang junior counterparts kontra sa PCU Baby Dolphins sa unang laro, 77-75. (Ulat ni CVOchoa)

vuukle comment

BABY DOLPHINS

EDWARD ATTUNAGA

FINAL FOUR

HEAVY BOMBERS

JOEL FINULIAR

JOEL VILLARIN

JOSE RIZAL

JOSE RIZAL UNIVERSITY

MARCO FAJARDO

PHILIPPINE CHRISTIAN UNIVERSITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with