^

PSN Palaro

Golez lalaban para sa gold medal vs N. Korean

-
PYONGYANG, North Korea--Pinaulanan ni middleweight Maraon Golez ng solidong kaliwa’t kanang kumbinasyon ang Korean No. 2 na si Yong Su sa first round upang makapasok sa gold medal bouts kahapon sa Pyongyang International Boxing Invitational tournament dito.

Ngunit ang tagumpay na ito ni Golez, ay nalukuban ng lungkot makaraang bumagsak ang limang iba pa niyang teammates sa kani-kanilang mga kalaban.

Hindi binigyan ng pagkakataon ng 21-anyos na Armyman mula sa Cebu at wala pang gaanong karanasan sa seven-man team na ipinadala rito ng bansa ay agad na gumuhit ng kasaysayan sa boxing scene nang kanyang dominahin ang Korean fighter na mas mataas sa kanya sa umpisa pa lamang ng labanan.

Ang unang left-right kumbinasyon na pinatama niya sa kanyang kalaban ay binilangan agad ng eight count. At ganito rin ang senaryo na kanyang inulit makaraan lamang ang isang minuto ng bout. Mata-pos ang 21 segundo, wala ng alternatibong paraan ang Korean referee kungdi itigil ang kanilang laban.

Ang panalo ay nagdala kay Golez na makasama sina light flyweight Harry Tanamor sa pag-akyat nila ngayong araw sa championship fights. Makakaharap ni Golez ang ipinagmamalki ng host at No. 1 fighter na si Kim Son Kil, habang sasagupain ni Tanamor si Kin Chol San.

Ang limang naunang laban ay pawang bigo kung saan lumasap si Violito Payla ng 14-12 pagkatalo sa mga kamay ni Sin Kyong Il.

Sa kasalukuyan, nakapagbulsa na ang Team Philippines na ipinadala rito ng Philippine Sports Commission, Pacific Heights at Revicon ng limang bronze medals sa four-nation, five-team championships na nilahukan ng Busan-bound Indian Team at Chinese training team.

Ang mga nag-uwi ng bronze ay sina Payla, bantam Fredie Gamo, featherweight Roel Laguna, lightweight Anthony Igusquiza at light middleweight Christopher Camat.

vuukle comment

ANTHONY IGUSQUIZA

CHRISTOPHER CAMAT

FREDIE GAMO

GOLEZ

HARRY TANAMOR

INDIAN TEAM

KIM SON KIL

KIN CHOL SAN

KOREAN NO

MARAON GOLEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with