^

PSN Palaro

20 schools lalahok sa "Puspusan sa Busan" Cheering and Pep Rally Competition

-
Hindi bababa sa 20 paaralan mula sa mga nangungu-nang collegiate leagues sa bansa ang magsasama-sama ngayon upang makilahok sa guidelines para sa ‘Puspusan sa Busan’ Cheering at Pep Rally Competition na kanilang inihahandog para sa mga miyembro ng Philippine Team sa Asian Games.

Mangunguna ang pinagsanib na Asian Games Task Force ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee sa partisipasyon ng mga school leagues kung saan puspusan na ang kanilang ginagawang kampanya para sa paglahok ng bansa sa September 29-October 14 Games sa Busan South Korea.

Nagtakda ang Task Force sa kanilang partnership sa Samsung Electronics Phils., ng Pep Rally at Cheering Competition sa Sept. 13 sa PSC-PhilSports Multi-Purpose Arena (dating Ultra).

May nakatayang P100,000 premyo at Samsung appliances ang ipagkakaloob sa mananalong paaralan sa cheering competition, habang ang first at second runners-up ay tatanggap naman ng P75,000 at P50,000, ayon sa pagkakasunod at Samsung appliances.

Nagkumpirma ng kani-kanilang paglahok ang cheering squad mula sa De La Salle, College of St. Benilde, Adamson, Ateneo, Lyceum, Colegio de San Agustin, Centro Escolar University, University of Santo Tomas at University of Perpetual Help.

Kabilang din sa mga kalahok ang San Sebastian College, Far Eastern University, St. Scholastica’s College, University of the Philippines, University of the East, Jose Rizal University, San Beda at Colegio de San Juan de Letran.

ASIAN GAMES

ASIAN GAMES TASK FORCE

BUSAN SOUTH KOREA

CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY

CHEERING COMPETITION

COLEGIO

COLLEGE OF ST. BENILDE

DE LA SALLE

FAR EASTERN UNIVERSITY

JOSE RIZAL UNIVERSITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with