Laban ni Peñalosa sa Hawaii ipapalabas asa NBN 4 sa Agosto 25
August 20, 2002 | 12:00am
Ipalalabas ng NBN-4 ang nakatakdang laban ni World Boxing Council International superflyweight champion Gerry Peñalosa kontra Japanese Seiji Tanaka bukas ng gabi sa Neil Blaisdell Arena sa Honolulu, Hawaii sa Agosto 25 simula sa 10 ng gabi.
Ang laban na ito ni Peñalosa ay magsisilbing tune-up ng Filipinos sa kanyang inaasintang laban kontra sa kasalukuyang WBC champion Masamori Tokuyama ng Japan ngayong Nobyembre.
Naisakatuparan ang pagsasahimpapawid ng nasabing laban dahil na rin sa tulong ng Philippine Amusement and Gaming Corp., at ng Philippine Charity Sweepstakes Office na magtatampok rin sa exhibition match sa pagitan nina Manny Pacquiao at Jesus Salud ng Hawaii.
Idedepensa rin ni Juanito Rubillar ang kanyang WBC International lightfly crown kontra sa Japanese na si Takayuki Korogi.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest