^

PSN Palaro

Kampanya ng Stags pinalakas

-
Pinalakas ng defending champion San Sebastian College ang kanilang kampanya na makapasok sa Final Four makaraang pasadsarin ang Letran, 74-59 sa pagpapatuloy kahapon ng 78th NCAA senior’s basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.

Ang panalo ay naghatid sa Recto-based dribblers na maokupahan ang solong ikalawang puwesto sa likod ng lider na St. Benilde (9-1) bunga ng kanilang 8-2 win-loss slate.

Para sa Stags, ito ang kanilang pinakamagandang panalo na siyang nagpalakas ng kanilang morale sa kanilang nakatakdang pakikipagtipan sa Dolphins bukas kung saan inaasahan na silang dalawa rin ang magkikita sa Finals.

Kumana si Nicole Uy ng 15 puntos kung saan naging matatag ang kanyang pulso sa rainbow area nang magsalpak ito ng anim upang ipalasap sa Knights ang kanilang ikaanim na pagkatalo matapos ang apat na panalo sa 10-laro.

Sa pangunguna nina Paul Reguera, Leomar Najorda at Victor Vicente, nagawa nilang palobohin ang kanilang pinakamalaking kalamangan sa 19-puntos, 64-43 may 8:43 ang nalalabi sa oras sa final canto.

Ang tanging oposisyon na nagawa ng Knights ay makalapit sa 70-59 mula sa free throws ni Jonathan Aldave, patungong 1:57 oras ng laban, bago tuluyang kinitil nina Vicente at Christian Coronel ang paghahabol ng Knights sa kanilang magkasunod na jumpers. (Ulat ni Maribeth Repizo)

vuukle comment

CHRISTIAN CORONEL

FINAL FOUR

JONATHAN ALDAVE

KANILANG

LEOMAR NAJORDA

MARIBETH REPIZO

NICOLE UY

PAUL REGUERA

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

SAN SEBASTIAN COLLEGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with