^

PSN Palaro

SSC Stags magpupursige para makalapit sa Final 4

-
Lalo pang makalapit sa Final Four ang pagpupursigihan ngayon ng defending champion San Sebastian College-Recoletos sa pagpapa-tuloy ngayon ng ikalawang round ng eliminations ng NCAA men’s basketball tournament.

Nakatakdang harapin ngayon ng SSC Stags ang mapanganib na Colegio de San Juan de Letran sa unang seniors game sa Rizal Memorial Coliseum sa alas-2:00 ng hapon pagkatapos ng sagupaan ng kanilang junior counterparts sa pang-umagang aksiyon sa ganap na alas-11:30 ng umaga.

Nakapuwesto na sa ikalawang posisyon ang San Sebastian taglay ang 7-2 record matapos ibulumbon ang limang sunod na panalo.

Nakabuntot ang Baste sa nangungunang College of St. Benilde na halos nakakasiguro na sa Final Four sanhi ng kanilang matayog na 9-1 kartada.

Mula sa magaan na panalo kontra sa University of Perpetual Help Rizal noong Biyernes, 84-74 at sa kanilang 82-72 pamamayani kontra sa Letran Knights sa kanilang unang pagkikita noong Agosto 5, pinapaborang manalo sa engkuwentrong ito ang Stags.

Matagumpay naman ang Letran sa kanilang huling asignatura laban sa Philippine Christian University na kanilang pinayukod sa 83-73 na nag-angat ng kanilang record sa 4-5 panalo-talo.

Sa ikalawang seniors game, magsasagupa naman ang host San Beda College at Jose Rizal University sa dakong alas-5:00 ng hapon pagkatapos ng sagupaan ng kanilang junior counterparts sa bandang alas-3:00.

Hindi pa rin makakalaro sa labang ito si Earl Morelos na magsisilbi ng ikalawa sa kanyang three-game suspension bunga ng kanyang pagpapasimuno ng kaguluhan sa kanilang laban kontra sa Philippine Christian University.

COLLEGE OF ST. BENILDE

EARL MORELOS

FINAL FOUR

JOSE RIZAL UNIVERSITY

KANILANG

LETRAN

LETRAN KNIGHTS

PHILIPPINE CHRISTIAN UNIVERSITY

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

SAN BEDA COLLEGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with