SMBeer vs Red Bull sa semis
August 19, 2002 | 12:00am
Nakasulong ang San Miguel Beer sa semifinal round nang kanilang dispatsahin ang kapatid na kumpanyang Coca-Cola Tigers sa isang overtime game, 90-84 sa kanilang sudden-death match kagabi sa pagpapatuloy ng quarterfinal phase ng PBA Samsung Commissio-ners Cup sa Araneta Coliseum kagabi.
Isinaayos ng Beermen ang kanilang rematch ng Batang Red Bull na siyang umagaw ng kanilang titulo sa kumperensiyang ito noong nakaraang taon sa kanilang pagsasagupa sa best-of-five semifinal series na magsisimula sa Biyernes sa pagbabalik ng Miyerkules, Biyernes at Linggong schedule ng PBA games sa semis round.
Pinangunahan ng balik San Miguel import na si Terquinn Mott ang Beermen sa paghakot ng 34-puntos, anim nito sa overtime period kung saan tuluyang nakawala ang SMBeer tungo sa kanilang tagumpay na bumura sa kanilang 80-84 kabiguan kontra sa Tigers na nagbunga ng sudden- death match na ito.
Matapos buksan ni William Antonio ang extra five minute sa pamamagitan ng tres, 79-76, isang 13-1 run ang pinangunahan ni Mott upang iselyo ang tagumpay ng Beermen.
Huling nagtabla ang score sa 80-all ngunit isang tres ang pinaka-walan ni Dwight Lago na bumasag ng pagtatabla kasunod ng dalawang free throws at basket ni Mott habang inalat naman sa charity lane ang Tigers na siyang sumiguro ng tagumpay ng San Miguel.
Abot-kamay na ng Beermen ang panalo nang kanilang hawakan ang 76-71 kalamangan, 47 segundo na lamang ang nalalabing oras sa labanan, ngunit isang tres ni Hale at ang napakahirap na fade away shot ni Johnny Abarrientos sa harap ni Boybits Victoria sa huling 4.3 segundo ng labanan ang nagtabla ng score sa 76-all.
Kinailangan ng karagdagang limang minuto sa labanan nang mabigong tapusin sa regulation ng San Miguel ang laro matapos magmintis ang running shot ni San Miguel import Shea Seals. (Ulat ni Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 20, 2024 - 12:00am