^

PSN Palaro

Payla umusad sa semifinals

-
Pyongyang, North Korea -- Nakapasok si flyweight Violito Payla sa semifinals para sa Team Philippines sa Pyongyang International Boxing Invitational Tournament dito, pero ang kanyang tagumpay ay nalukuban ng kabiguan nina featherweight Roel Laguna at light mid-dleweight Christopher Camat na nakuntento lamang para sa bronze medal dito.

Pinaulanan ng 23-anyos na si Payla, isang Armyman mula sa Cagayan de Oro ng matitinding suntok ang Korean No. 2 na si Kim Chun Ho upang irehistro ang 15-10 desisyon kasabay ng pagpukaw niya ng atensiyon ng organizers at ng iba pang kalahok dito bunga ng kanyang impresibong performance sa ibabaw ng lona.

Bunga ng kanyang mga kumbinasyon, nagawang kontrolin ni Payla ang laban mula sa umpisa upang tapusin na ang kampanya ng Koreano sa Asiad.

Subalit ang selebras-yon ng koponan na ipinadala dito na may suporta mula sa Philippine Sports Commission, Pacific Heights at Revicon ay naputol matapos na igupo si Laguna ni Song Chol Nam.

Isa pang masaklap na 17-12 kabiguan ang nalasap naman ni Camat mula sa mga kamay ni Tong Kil Hyo na kitang-kita na paulit-ulit na pinau-lanan ng suntok ng Filipino sa katawan sa buong apat na round ng laban.

"Sobra namang nakakahiya yong ginawa nila kay Camat," galit na pahayag ni coach Boy Velas-co. "Yung kay Laguna, talagang talo, pero yong kay Camat, hindi, pati nga yong Koreano, napailing nang itaas ang kanyang kamay."

At nang i-review ang kanilang laban at score-cards, nagpapakita na angat si Camat at kanyang nasupil ang Korean, subalit ang ilang mga puntos ni Camat ay hindi nairerehistro sa computer.

Base sa AIBA computer system, hindi bababa sa tatlo mula sa li-mang ring judges ang kailangang pumindot ng button ilang segundo upang magrehistro ang iskor.

"Pinupuntusan nga si Camat, pero hindi naman sabay-sabay, kaya wala rin," ngitngit naman ni head coach George Cali-wan.

Magbabalik ang kampanya ng koponan sa pangunguna ni Felix ‘Bogie’ Apostadero ngayon para sa finals kung saan aakyat sa ibabaw ng ring sina light fly Harry Tana-mor, bantam Ferdie Gamo at lightweight Anthony Igusquiza.

"Nangako ang tatlo na ibibigay nila ang lahat para sa birthday ni coach Boy (Velasco)," wika naman ni coach Pat Gaspi.

Tangka ni Tanamor ang gold medal kontra Jong Sang Ryol, habang ganito rin ang misyon nina Gamo at Igusquiza kontra sa Koreans fighter.

ANTHONY IGUSQUIZA

BOY VELAS

CAMAT

CHRISTOPHER CAMAT

FERDIE GAMO

GEORGE CALI

HARRY TANA

JONG SANG RYOL

KIM CHUN HO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with