^

PSN Palaro

Peace nga ba ang nakukuha sa NCAA?

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Nung Lunes sa laro ng College of St. Benilde at Mapua sa NCAA, inabot ng halos isang oras ang technical committee at ang mga referees sa paggawa ng desisyon tungkol sa kabit-kabit na technical fouls na iginagawad nila sa mga players at sa dalawang teams.

Isang oras yun na papalit-palit ng mga desisyon at kung anu-anong diskusyon.

Diyos ko po, ganyan na ba ang mga humahawak sa NCAA ngayon.

Magde-desisyon ngayon at maya-maya lang eh papalitan din ito? At kapag napalitan na, eh papalitan na naman pagkatapos lang ng ilang minuto?

Susmaryosep! Kawawa naman ang isang supposed-to-be eh nirerespetong liga na tulad ng NCAA.

Kung hindi mako-kontrol ng NCAA ang mga ginagawang tawag ng marami (pero hindi naman lahat) nilang mga referees, we are bound to see more hardcourt fracas tulad ng mga nangyayari sa liga recently.

To think na nasa elimination pa lang ang liga.

Paano na kaya pag dumating na sila sa finals o kahit sa Round of Four lang?
* * *
Tingnan mo ang theme ng NCAA ngayon..."Promoting the Culture of Peace through Sports? "

Pero tingnan mo kung ano ang nangyayari sa liga ngayon?

Mga players na nagsusuntukan sa harapan ng nationwide coverage.

Mga players na nag-uupakan dahil sa mga maiinit na ulo dahil sa mga maling tawag ng mga referees.

Mga estudyanteng nagmumurahan. Nagdi-dirty fingers sa isa’t isa. Mga estudyanteng kung anu-anong kabastusan ang isinisigaw sa mga players na naglalaro.

May mga lalabas na seksing cheerleaders para magsayaw, ano ang isinisigaw ng mga estudyante sa kalabang eskuwela? "Pokpok, Pokpok, Pokpok...!"

Ilan na bang mga "put...ina nyo" at "suntukan na lang" ang umaalagwa sa mga larong mainitan?

At ano ang ginagawa ng mga school officials sa mga ganyang pagkakataon?

Wala na ba silang control sa mga estudyante nila?

Parang wala, noh?

Yan ba, yan ba ang ‘promoting the culture of peace through sports?’

Kung ano ang di naituturo sa mga classrooms, sa panonood ba ng laro natutunan?

Pero yan nga ba ang dapat na matutunan ng mga estudyante ngayon?
* * *
Sana’y magising na ang mga NCAA officials sa mga bagay na katulad nito.

Huwag na nilang hintayin ang puntong baka matakot ang mga magulang ng mga estudyante at hindi na payagan ang mga anak nila na manood ng games.

Huwag na nilang hintayin pa...
* * *
Di raw magbi-bid ang ABS-CBN Channel 2 para sa rights ng PBA coverage next year.

Nadala na raw sila sa MBA.

Di rin magbi-bid ang GMA 7.

Suko na rin daw si Boss Vic del Rosario sa lugi niya ngayong taon na ito.

At alam nyo naman ang nangyari sa Vintage a few years back.

Kung hindi sila, sino ang kukuha ng rights para sa coverage ng PBA next year?

Sino nga kaya ang malakas ang loob?

Sobrang hina rin daw ng rating ng PBA games ngayon.

As in sobrang hina.

Kaya hindi pumapasok ang mga advertisers sa coverage.

Sa dami nga ng mga nagmamarunong ngayon sa PBA, hayan ang nangyayari. Tsk-tsk-tsk...

BOSS VIC

COLLEGE OF ST. BENILDE

HUWAG

NGAYON

NUNG LUNES

PERO

POKPOK

PROMOTING THE CULTURE OF PEACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with