Puyat nagpasalamat sa pagkakapili kay Bustamante
August 14, 2002 | 12:00am
Ang sportsman na si Aristeo "Putch" Puyat ay kinikunsidera ng marami bilang isang "godfather" ng Filipino billiards stars na sina Efren "Bata" Reyes at Francisco "Django" Bustamante, ay nagpa-salamat sa Philippine Olympic Committee sa pagkakatalaga kay Bustamante bilang standard bearer ng Philippine delegation sa Busan Asian Games sa September 29-October 14 ng taong kasalukuyan.
Si Putch at ang kanyang kapatid na si Popit Puyat ang sponsors nina Reyes, Bustamante at ng iba pang top-rated Filipino cue artists sa malalaking local at international competitions tulad na lamang ng kakatapos na world pool championship sa Cardiff, Wales.
Sa kanyang sulat kay POC president Celso L. Dayrit noong August 11, 2002, sinabi ni Putch Puyat, presidente ng Puyat Sports na "to carry the flag (of ones country) in the opening rites of the Asian Games is the biggest honor any athlete can aspire for, more so for Bustamante who comes from very humble beginnings and being in a sport that is still at its flegdling stage in terms of acceptance and recognition."
Idinagdag pa ni Puyat na ang pagkakapili kay Bustamante ay "has now joined the elite ranks of Carlos Loyzaga, Paeng Nepomuceno, Efren Reyes and our other great athletes who have been bestowed the honor of Philippine standard bearers."
Tumapos ang 38-anyos na si Bustamante ng ikalawa sa Ameri-kanong si Earl Strickland sa Cardiff tourney ng matalo sa iskor na 15-17 sa finals kung saan siya ay lumalaro na dala ang pamimighati dahil sa pagkamatay ng kanyang anim na buwang anak na babae.
Subalit ipinakita ni Django ang dahilan kung bakit siya kinakaka-takutan ng maraming mahuhusay na billiard players sa mundo nang talunin ang isa pang Amerikanong si Johnny Archer noong naka-raang linggo upang mapagwagian ang Peninsula 9-Ball Open sa Virginia.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 27, 2024 - 12:00am