^

PSN Palaro

Pinoy jins sa Busan Asian Games,malaki ang pag-asa

-
Hindi na sorpresa kung ang Philippine Taekwondo team ay kabilang sa mga koponan na makapagpapakita ng maningning na performance sa susunod na buwang Asian Games sa Busan, South Korea.

Ang magwagi ng 12 medalya sa anim na kategorya kung saan ang Filipino jins ay hindi malayong mangyari.

Nagpahayag ng kumpiyansa si Philippine Taekwondo Association (PTA) vice president Sun Chong Hong sa kanyang 12-man taekwondo team kahapon ng maging panauhin ito sa PSA Forum na hatid ng Agfa Colors, Red Bull at Pioneer Insurance sa Holiday Inn hotel.

" I believe and trust all of my players. All of them have capacity to win medals. I just don’t know what the color of the medals would be, but if we’re lucky, we can win 12 medals in all," ani Hong na siyang magsisilbing RP delegation’s attache sa Busan.

Kasamang dumalo ni Hong sa nasabing programa sina RP team coach Emmanuel Veneracion at jins Donald Geisler, Roberto Cruz at Eva Marie Ditan.

Nakalinya sa year-long training sa ilalim ng Korean coach Kim Tae Hyung, dating world taekwondo champion ang extensive international exposures ang nagdala sa koponan sa Turkey, Jordan at Japan upang imolde ang Filipino jins na inaasahang makapag-uuwi ng medalya sa Asiad na nakatakda sa Sept. 29-Oct. 14.

Nakasalalay sa mga balikat nina Geisler, Cruz at Ditan at ng iba pang jins na malampasan o hindi man ay maitabla ang naiuwing isang silver, tatlong bronze medals ng Filipino jins na kanilang napagwagian noon sa Bangkok Asiad, apat na taon na ang nakakaraan.

Samantala, aalis ang taekwondo squads patungong Korea sa Lunes upang ipagpatuloy ang kanilang training na sinimulan pa noong kaagahan ng buwan ng Enero. Magbabalik ang jins sa Aug. 29.

AGFA COLORS

ASIAN GAMES

BANGKOK ASIAD

BUSAN

DONALD GEISLER

EMMANUEL VENERACION

EVA MARIE DITAN

HOLIDAY INN

KIM TAE HYUNG

PHILIPPINE TAEKWONDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with