Nanatiling nakabuntot si Buenavista sa seven-man lead pack hang-gang sa huling tatlong laps, subalit hindi niya nasustinihan ito at siya ay kinapos pagdating sa huling 300m.
"Binuhos ko na ang lakas ko, pero hindi talaga kaya," ani Buena-vista, 2001 Kuala Lumpur Southeast Asian Games champion ng nasa-bing event.
Tinapos ng Philippines ang kanilang kampanya sa 41-nation field sa pagsungkit ng isang silver at isang bronze mula kina long jumpers Lerma Bulauitan-Gabito at Marestella Torres.
Sinabi ni Go Teng Kok, PATAFA chief na hindi naging maganda ang performance nina Buenavista, Ernie Candelario at John Lozada sa dahilang kasalukuyan pa silang nagpapagaling mula sa kani-kanilang mga injuries at inaasahan niya na hindi kaagad magpi-peak ang kanilang porma hanggang sa pagsapit ng Busan Asian Games sa susunod na buwan.
Nakaharap rin ng mabigat na hamon sina decath-lete Fidel Gallenero at high jumper Sean Guevarra at nabigo silang makapagbulsa ng anumang medalya sa ikaapat na araw ng kompetisyon.
Di gaya ng 4x400m relay team nina Aying Jimar, Rodrigo Tanuan Jr., Ronnei Marfil at Candelario na tumapos ng ikaapat na puwesto sa event na pinagwagian naman ng Sri Lankans.