Sa pagkakataong inaasahan ni Guiao na mas mahigpit ang hamon na susuungin ng kanyang mga bata kumpara sa elimination round at hindi nila kailangang sumakay sa impresibo nilang record.
Tinapos ng Thunder ang kanilang kampanya sa elimination round sa 7-panalo at 3-talo, kumpara sa Shell na nasa hulihang puwesto ng eight-team quarterfinal phase sa record na 4-6.
"Its anybodys ball-game," patungkol ni Guiao sa pagsisimula ng kanilang quarterfinal match ng Turbo Chargers sa alas-7 ng gabi.
Isang pagkakamali lamang ng Shell ay batid nila kung ano ang kanilang kalalagyan, kayat siguradong ito ang pakakaiwasan ng tropa ni coach Perry Ronquillo na taliwas naman sa Thunder, dahil kung sakaling matalo sila, mayroon pa silang pagkakataon na makabangon pa sa huling laban bunga ng pagkakaroon nila ng twice-to-beat advantage.
Sa gabing ito, iisa lamang ang nasa isipan ng Thunder at Turbo Chargers--ang makabangon mula sa kani-kanilang huling kabiguan.
Tinalo ng FedEx Express ang Red Bull, 90-92, habang niyanig naman ng Purefoods Tender Juicy Hotdogs ang Shell, 75-79.
"It will be a big test for our character. We know we are not complete, may mga injuries kami, and I hope that will work as a challenge to the players to exert extra effort on this game," wika naman ni Ronquillo.
Aasahan ni Ronquillo na mag-aangat sa Shell sina Johnny Jackson, George Banks, Rob Wainwright, Tony dela Cruz, Mike Hrabak, Edwin Bacani at iba pa na tatapatan naman nina Tony Lang, Julius Nwosu, Davonn Harp, Willie Miller at Lordy Tugade para isulong naman ang Thunder sa pag-okupa ng unang semis slot. (Ulat ni Maribeth Repizo)