Pilay na Dolphins vs UPHR

Batid ng Philippine Christian University na matarik na daan ang kanilang tatahakin sa nakatakda nilang pakikipalaban ngayon kontra sa University Perpetual Help of Rizal sa pagbabalik ng aksiyon ng 78th NCAA men’s basketball tournament sa Rizal Memorial Coli-seum.

Paparada ang Dolphins sa playing area sa ganap na ala-1 ng hapon na suspindido ang limang manlalaro matapos na masangkot sa isang fist fight sa kanilang huling laro noong nakaraang linggo kontra San Beda Red Lions kaya’t siguradong malaki ang magiging epekto nito sa PCU sa kanilang kampanyang manatili sa solong ikalawang puwesto.

Sinuspindi ng tig-isang laro sina Alwyn Ilagan, Robert Sanz, Noelson Gatdula, Leo Gaspi at Al Dais at ito ang gagawan ng paraan nina Loreto Soriano, Joseph Roque at Bernzon Franco upang tapatan ang hamon ng Altas.

Sa isa pang senior games, tangka ng St. Benilde na mapatatag ang kanilang kapit sa liderato sa kanilang nakatakdang engkuwentro ng Mapua sa alas-4:30.

Ang aksiyon ay bubuksan ng PCU Baby Dolphins at Altalletes sa alas-11:30 ng umaga, habang sa isa pang junior games, magtitipan naman ang Red Robins at De La Salle Zobel sa alas-3.

Show comments