Ang Tunay Na Misyon
August 10, 2002 | 12:00am
NAIINTINDIHAN natin kung medyo nagdududa ang ilan sa kakayahan ng RP team na makapagpakita ng magandang performance sa Busan Asian Games bunga ng pangyayaring na-eliminate sila sa Samsung-PBA Commissioners Cup.
Subalit kung titingnan ang mas malaking larawan, tila mas maganda na ngang hindi nakausad ang RP Team sa quarterfinal round. Kasi nga, hindi naman layunin ng RP Team na magkampeon sa Commissioners Cup, eh.
Lumahok sila sa dalawang conferences ng PBA sa taong ito upang magkakilala nang husto. Nais ni coach Joseph Uichico na malaman kung ano talaga ang puwedeng gawin ng kanyang mga manlalaro.
"Kahit kasi sabihin na napapanood ko at nakakalaban ng PBA team ko ang mga players ng RP squad, iba na rin yung malaman ko up close kung ano talaga ang kaya nilang gawin. Isa pa, kailangan din na magkaroon ng bonding ang mga players ng RP team," ani Uichico.
At upang tuluy-tuloy na magkaroon ng bonding ang RP Team, kahapon ay nagtungo sila sa Los Banos, Laguna kung saan umupa sila ng isang bahay na titirhan nila. Nais nila na mapawi ang pagod na nadama nila sa paglahok sa Commissioners Cup.
Pero pagkatapos ng kaunting pahinga ay inaasahan ni Uichico na mapagtutuunan nila ng buong konsentrasyon ang tunay nilang objective.
Katunayan, muling masusubukan ang RP team dahil sa makakaharap nito ang National team ng Chinese-Taipei na bibisita sa bansa sa Agosto 18. May posibilidad ding makalaban nila ang isang visiting Australian team na kinabibilangan ng Olympian na si Andrew Gaze.
Tiyak na mas maraming matututunan ang Philippine team sa mga larong ito kaysa sa mga games na nilaro nila sa dalawang conferences ng PBA.
Ayon kay Uichico, hindi na muna niya ihahayag ang kanyang 12 man line-up kahit pa sinasabing dapat na niyang isumite ito sa Philippine Olympic Committee. Sa managers meeting na lang ng Asian Games niya gagawin ito.
Ibig sabihin, ibibigay niya ang 15-man line-up sa POC na siyang magpapadala nito sa Asian Games Organizing Committee. Bahala na ang POC kung sino muna ang nais nitong ilagay sa 12-man line-up pero tiyak na babaguhin pa rin ito ni Uichico bago magsimula ang torneo.
"Hindi ako puwedeng mangako na mapapanalunan namin ang gintong medalya. Mahirap ipangako iyon dahil sa nag-improve na rin naman ang ibang teams," ani Uichico.
"Ang mahalaga ay maganda ang maipakita namin sa Asian Games. Una naming target ang makasama sa quarterfinals at para namin magawa iyon ay dapat na paghandaan namin ang UAE at India. Sa dalawang ito, UAE ang siyang inaasahan naming magpapahirap sa amin," ani Uichico.
Ang realistic goal ng RP Team ay umabot sa semifinals at iwasang makaharap ang China sa crossover. Nais nilang sa Finals na makatagpo ang China at kung sakali ay suwertehin sa championship game.
Ipagdasal na lang natin ang RPTeam.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended