Importanteng laban para sa Shell at FedEx
August 10, 2002 | 12:00am
Importanteng panalo ang kapwa aasamin ngayon ng Shell Velocity at FedEx Express sa kanilang magkahiwalay na laro sa pagpapatuloy ng elimination ng Samsung-PBA Commissioners Cup sa PhilSports Arena.
Unang sasabak sa aksiyon ang Turbochargers na haharap sa talsik ng Purefoods Tender Juicy Hotdogs sa alas-3:45 ng hapon na susundan ng engkuwentro ng Express at talsik na ring Barangay Ginebra sa alas-5:45 ng gabi.
Bagamat wala ng halaga ang laban para sa Gin Kings at Hotdogs, hindi dapat magkumpiyansa ang Express at Turbo Chargers dahil siguradong gagawa ito ng eksplosibong opensa upang biguin ang kani-kanilang kalaban.
Kailangan ng Express na nag-iingat ng 5-4 panalo-talo kartada na magtagumpay sa kani-lang laban upang mapahigpit ang kanilang kapit sa No. 6 slot kung saan nakabuntot lamang ang pahingang Talk N Text na naglista naman ng 4-5 win-loss slate.
Hawak naman ng Shell na nagtataglay ng 4-5 kartada ang huling slot sa 8-team quarterfinals cast.
Kasama ng Hotdogs at Gin Kings na kapwa nagposte ng 2-7 record ang Selecta-RP Team na tumapos ng kanilang kampanya sa elimination na mayroong 3-7 kartada sa maagang pagbabakasyon.
Kung sakaling magtabla ang Express at Phone Pals sa 5-5 kartada ang huli ang siyang ookupa ng No. 6 slot at malalaglag naman ang FedEx sa No. 7.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest